Quotes, Juxtaposed: Which 2022 presidential bets will keep ‘Build Build Build’?

May 3, 2022 - 10:07 PM
2281
Top presidential candidates for the 2022 Philippine elections: (from left) Leody de Guzman, Ping Lacson, Leni Robredo, Ferdinand Marcos Jr., Manny Pacquiao and Isko Moreno Domagoso.

Where the Malacañang hopefuls stand:

Labor Leader Leody De Guzman

Mayrong inabot din na tulong o pakinabang sa ating bansa pero generally, sa tingin ko, sabit yung pagbubuhos ng pondo dito sa Build Build Build. Yung ating utang mula sa 5.9 trillion bago umupo si Pangulong Duterte, ngayon ay mulhang aabot ng 13.4 trillion bago matapos ang kanyang panunungkulan dahil dito sa mga Build Build Build na ito. At naging problema din dahil sa panahon ng pandemya, parang naging business as usual, tinuloy ang mga Build Build Build [projects], at napabayaan yung paggastos dito sa paglaban sa COVID.

Kaya ang tingin ko, hindi ito masyadong nakatulong at dapat na-resolve sana yung problema sa unemployment at dapat na-resolve din yung kahirapan na inabot ng ating mga mamamayan.

De Guzman said this at the first presidential debate hosted by the Commission on Elections last March 19.

Francisco “Isko Moreno” Domagoso

Sa ating mga kababayan, yes matagumpay ang Build Build Build. Dangal lamang, talagang inabot tayo ng pandemyang ito. Will I continue it? Opo, mga kababayan.

Itutuloy ko po ang Build Build Build. But we will build more housing, better schools, more hospitals, more post-harvest facility para sa ating fishers folks at farmers, at maghahayop, and more source of energy, more stability ng energy sa buong Pilipinas.

Sapagkat sa pagikot-ikot ko po ang mga kababayan natin, madalas maghingalo ang mga kuryente nila, naghihingalo ang buhay, naghihingalo pa ang kuryente, naghihingalo pa ang internet. These are the things that we are going to focus on Build Build Build. Tao muna.

 

Manila Mayor Domagoso also said this at the first presidential debate organized by Comelec.

Panfilo “Ping” Lacson Sr.

Sa tanong na kung matagumpay ba, out of 118 projects, ang na-accomplish lang, 12. So kayo na po ang humusga, mga kababayan na lang natin ang humusga kung matagumpay ba. Kung itutuloy, yes. Pero gawin nating better, i-boost natin, at dapat bolder. At yung mga na-perfect na yung kontrata lalo na sa pipeline, meron tayong tinatawag na inviolability of contracts, hindi natin pwedeng talikuran lalo na at kung itoý may involved na mga foreign investments dapat ituloy. Ang problema lang natin, pumalo na tayo sa 12.03 trillion yung ating national debt, no? Foreign atsaka domestic. So panahon na siguro para mag-shift tayo from BBB Build Build Build papuntang PPP – Public Private Partnership, na kung saan hindi gagastos ang gobyerno at private initiative ang magsisimula.

Sen. Lacson likewise said this during the same debate.

Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Yung sa Build Build Build, kailangan ipagpatuloy talaga natin yan. Infrastructure is always critical, hindi talaga mawawala yan. That’s why napag usapan ko mga airport, yung mga kalsada dun sa mga tourist destinations, and we’ll need to open up other places. Yun lamang, we have to now create, for ourselves, a plan. Ano bang plano? San ba tayo talaga maglalagay ng – Sa – Ano ba yung gusto nating i-invest-an? Ano ba yung gusto talaga nating unahin? Yun, edi gawing priority yung transport and communication dun sa mga lugar na yun. And that’s where we not only continue the Build Build Build program of President Duterte but we build upon it. We will make it more extensive but it will be in conformation to a larger plan of economic development.

Marcos, dictator’s son and former senator, made this remark during an interview with SMNI on January 15 this year.

Manny Pacquiao

Maganda po talaga ang proyekto na yan kasi kasama po yan sa economic growth and development yung Build Build Build – infrastructure development.

At pangalawa po, ipagpatuloy po natin yung pagpagawa natin ng bahay nationwide. Pag tayo po ay naging pangulo, nationwide i-implement natin yang pabahay program natin dahil matagal na po nating ginagawa yan bago pa man po tayo napasok sa pulitika. At hindi po yan drawing, kundi ginagawa na po natin. Marami na pong ebidensya yang nabigyan natin ng pabahay.

Pangalawa po ay yung kailangan Build Build Build ay madagdagan pa po ang ating mga daan sa ka-Mindanaoan, Visayas. Marami pa pong talagang kailangan i-develop sa Mindanao area.

Sen. Pacquiao said this at the first Comelec presidential debate.

Leni Robredo

Itutuloy po natin yung Build Build Build pero magbibigay po tayo ng emphasis on PPP instead of ODA (Official Development Assistance) para hindi na utang. Pero for PPP (public–private partnership) to succeed, kailangan isiguro natin na inayos natin yung pamahalaan para mas maraming investors ang tumiwala na mag-invest sa atin. Ipaprioritize din po natin apat na areas. Yung number one, sisiguraduhin natin na yung infrastructure makaka-spur ng rural development. Ang examples nito yung mga infrastructure na kinakailangan ng ating mga magsasaka. Mga farm-to-market roads, mga post-harvest facilities, yung mga kinakailangan para i-spur natin yung ating maritime industry: mga ports, ang kinakailangan etong makatulong para lumago naman yung mga kanayunan. Pangalawa, yung transportation, ang datos nagsasabi dito sa Metro Manila 88% ng tao walang sasakyan… pero ‘pag tiningnan natin ‘yung budget natin, talagang kulang ang binibigay natin sa mass transport. Bibigyan natin ‘yan ng halaga. Pangatlo, ‘yung water resource management, paubos na ‘yung ating pinagkukunan ng tubig… Pang-apat, yung climate-resilient infrastructure, sisiguraduhin na magpabahay tayo lalo na sa danger zones.

The vice president also made this remark in the same debate.