‘NO’ TO MARTIAL LAW EXTENSION | Sen. Bam Aquino explains his vote

July 22, 2017 - 11:29 PM
5656
Sen. Paolo Benigno "Bam" Aquino IV in an earlier Senate hearing: seeks NBI probe of hacking (Senate file photo)

On Saturday, July 22, the two chambers of Congress in joint session voted 261 for and 18 against the President’s proposal to extend martial law in Mindanao until Dec. 31, 2017. Senator Bam Aquino was one of four senators who voted against it. Here’s his explanation.

Humindi po ako sa extension na 150 days dahil sa tingin ko po, ang nararapat na extension ay 60 days lamang.

Tatlong tanong po ang naging paggabay sa akin upang makaabot sa desisyong ito. Unang una, makakaantala ba ang paglimita sa 60 days sa operations ng AFP at sa ating mga sundalo. Clearly Mr. President, hindi naman ito makakaantala sa kanila at buo naman ang suporta natin sa AFP from the beginning.

Hindi lang po sa moral, hindi lang po sa budget kundi pati sa mga batas na kailangang amyendahan para matulungan po sila.

Pangalawang tanong, ano ang nais ng 500,000 internally displaced Filipinos na nasa ibang siyudad at sa mga evacuation centers. Sa aking pagkaalam, gusto na nilang bumalik sa kanilang bahay.

Ang tingin ko po, ang rehabilitation ay mas mainam na gawin sa ilalim ng civilian authority at hindi po sa ilalim ng Martial Law.

Pangatlo, at siguro po pinakamahalaga sa ating desisyon ngayong hapong ito. Ang 60-day limitation ba ay makatutulong sa pagtaguyod ng demokrasya sa ating bansa? Ang sagot ko po diyan oo.

Unang-una, itinataguyod ang nararapat na check and balance ng co-equal branches of government na executive and legislative branch. Pangalawa, Congress will be able to fulfil its mandate and responsibility given to it in the Constitution in shorter intervals.

Mr. President, the presence of Martial Law in our country today puts our democracy in an unusual and unstable situation. Ngayon po na mayroon tayong Martial Law, hindi po ganoon katibay ang kinatatayuan ng ating demokrasya. Kaya po, ang pagpapasyang kailangang gawin natin, tayo ba ay magpapalakas sa ating demokrasya o tayo po ba ay gagawa ng mga desisyon na posibleng makapaghina dito. Siyempre po boboto tayo sa pagpapalakas at pagpapatibay ng ating demokrasya dahil mahirap na pong masanay.